Mga Pahina

Miyerkules, Agosto 5, 2015

Note (Isang Dagli)


Note
Florence Therese Barrameda


Nagrerebolusyon ang utak ko.
Ayoko na, suko na ako,” sunod-sunod na sigaw ng utak ko. Napapikit. Muling idinilat ang mga mata ko. Naghintay sandali. Hinintay makapag-adjust sa dilim ng kuwarto ko. Gabing-gabi na. Mahimbing na natutulog na ang mga tao na nasa kabilang kuwarto. Tumingin sa kisame. Kulay puti. Nag-isip ng mga bagay na gustong mangyari. Kung ganoon, himala ang kailangan ko (mala-Nora Aunor). Tumayo ako. Agad na naramdaman ang lamig na nanggagaling sa aircon. Sa bawat yapak ko, pabigat nang pabigat ang nararamdaman ko. Nagsusumigaw ang mga sugat gaya ng sigaw sa utak ko.
“Bakit ko pa hindi tapusin?” muling tanong na nanggaling sa utak ko. Totoong hindi ko na kaya. Wala ni kakarampot na pag-asa. Pumunta ako sa banyo. Humarap sa salamin. Malabong mukha ko ang nakita ko. Nauupos. Patuloy na lumabo. Hindi na ang mukha ko ang nakikita ko kundi ang sa kanila. Bingi na rin ang mga pandinig ko. Pagod na rin ang paningin ko sa mga post sa Twitter, Facebook at Instagram. Ang mga salitang nagdulot ng mga sugat mayroon ako.
Tama na, ayaw ko na.
Tatapusin ko na lamang ito. May ngiti sa labi ko.

Ma, Dad, I'm sorry. #

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento