Mga Pahina

Lunes, Agosto 3, 2015

Ukol sa mga Manunulat at Editor


Tungkol sa mga manunulat


Pierre Banzon

Kasalukuyang nasa ikasiyam na baitang na kinahihiligan ang larangan ng sports lalo na ang cycling at skateboarding. Matagumpay niyang natamo ang karangalan na Emergent Athlete Award noong taong panuruan 2014 hanggang 2015. Maliban dito, natamo rin niya ang karangalan na Emergent Performance Award sa nabanggit din na taon.


Ralph Andrew Buenaventura

Kasalukuyan din siyang nasa ikasiyam na baitang sa taong panuruan na ito. Isang student leader. Nakapagtamo ng parangal na Emergent Performer sa pagtatapos ng taong panuruan 2014 hanggang 2015. 


John Arnon Catapang

Naglilingkod bilang isang student leader sa kasalukuyan. Isang mathematician at abala sa larangan ng sports partikular ang cycling. Natamo niya ang karangalan na Emergent Athlete Award sa loob ng dalawang magkasunod na taon (taong 2014 at taong 2015). Dahil sa kaniyang husay sa disiplina ng Mathematics pinarangaln siya ng Emergent Mathematician noong taong 2014.  


Maria Harnet Delmo

Isang mahusay na manunulat sa genre ng sanaysay. Mahusay sa larangan ng sining lalong higit sa larang ng visual arts. May angking husay din sa larang ng musika na katunayan, natamo niya ang 1st runner up sa kaniyang klase sa larang ng musika. Maliban din dito, natamo niya ang karangalang With Honors sa nagdaang taong panuruan at Subject Excellence


Francesca Raine Destajo

Isang student leaderKasalukuyang nasa ikasiyam na baitang. Pinarangalan bilang High Honors sa mga taong 2014 at taong 2015. Samantalang noong taong panuruan 2014-2015 matagumpay niya na natamo ang karangalan na Best in Mathematics. Maliban sa usaping pang-akademiko, natamo rin niya ang karangalang 1st Runner Up sa isinagawang Ms. United Nation (UN) bilang pagdiriwang nito noong taong 2014.


Jasper Gallos

Kasalukuyang nasa ikasiyam na baitang. May angking husay sa larang ng visual arts. Dahil sa pagpupursige kinilala siya bilang Most Improve sa nakaraang taong pang-akademiko at karangalang Emergent Performer.


Kristine Irish Mendoza

Isang manunulat. Kasalukuyang nasa ikasiyam na baitang. Nakapagtamo ng karangalan na Most Diligent noong mga taong 2014 at 2015. Mahusay din sa larang ng visual arts na nakapagtamo ng karangalan. Dahil sa kaniyang dedikasyon sa pagsulat ginawaran siya ng Emergent Writer noong taong 2013.


Russel Anne Silvestre

Isang alagad ng musika. Paminsan-minsan pinagkakaabalahan niya ang pagsulat ng maikling mga katha. Dahil sa kaniyang hilig sa musika, natamo niya ang karangalan na Emergent Musician sa taong ito (2015) at gawad Music Enthusiast.


Mari Erika Antonia Singson

Isang honor student. Kinilala bilang Top 1 sa klase noong taong 2013. Kilala rin sa kaniyang husay sa pagsulat na nakakuha siya ng 2nd runner sa isang kumpetisyon sa kaparehong taon. Mahusay din sa pagsayaw at pag-arye. Natamo ang karangalan na Emergent Performer sa pagtatapos ng taong pang-akademiko 2014 hanggang 2015. 


Tien Mari Cabreros

Maituturing na isa sa may malawak na pagtingin sa larang ng disiplina ng Mathematics. Hinirang bilang Emergent Mathematician noong 2014. Ganoon din hilig din niya ang sports na dahilan para kilalanin din siya bilang Emergent Athlete sa kaparehong taon. 


Krizia Beatrice De Leon

Isang atleta sa larang ng paglangoy (swimming). Nakapagtamo ng 1st place sa Butterfly Stroke 100 meters at 2nd place sa Breaststroke 50 meters. Maliban dito, mahusay din siya sa larang ng pagsulat ng sanaysay at malikhain sa larang ng visual arts lalo na sa pagpipinta. 


Clementine Villongco

Kinahihiligan ang pag-awit at pagtatanghal sa teatro. Mahusay sa larang ng creative writing. Dahil sa kaniyang taglay na husay sa tanghalan natamo niya ang karangalan na Emergent Performer at Performance Arts sa pagtatapos ng taong pang-akademiko 2014-2015. Samantalang sa larang naman ng pag-awit, natamo niya ang 2nd place sa isang timpalak sa pag-awit noong taong 2013.


Florence Therese Barrameda

Isang student leader. Nakapagtamo ng karangalan na Most Diligent noong mga taong 2014 at 2015. Ginawaran ng parangal na Emergent Performer sa pagtatapos ng taong pang-akademiko 2014 hanggang 2015. May mahusay na kaalaman sa pagsulat na maiikling akda at kasanayan sa visual arts.



Nicolas Completo Gaba Jr.
(Editor)

Isang guro sa high school at kolehiyo sa kasalukuyan. May tatlong taon ng karanasan sa pagtuturo iba't ibang disiplina gaya ng Filipino, Panitikang Filipino, Antroplohiya at Sosyolohiyang Filipino, at Humanities. Ginawaran ng parangal na Most Outstanding Student ng Polytechnic University of the Philippines noong taong 2013. Pinarangalan din sa nasabing taon ng Most Outstanding Scholar of the Year sa College of Arts and Letters ng nasabi ring pamantasan. Naging editor-in-chief ng Pahatid Kalatas na opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng Kagawaran ng Filipinolohiya sa PUP. Humawak din ng iba't ibang posisyon sa Ugnayan ng Talino at Kagalingan sa loob ng halos tatlong taon.        

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento